------------------------
mula sa aking baul...
Nais kong di ka umimik: na parang di ka narito
At marinig mo ako mula sa malayo at ang tinig ko’y di ka maabot
Para bang ang mga mata mo’y lumipad papalayo
At parang isang halik ang nagtupi ng iyong bibig
Kung paanong ang lahat ng bagay ay puno ng aking kaluluwa
Ikaw ay nagmumula sa mga bagay, puno ng aking kaluluwa
Paruparo ng guni-guni, tulad ka ng aking kaluluwa
At katulad ka ng salitang -- lumbay
Nais kong di ka umimik, at mukha ka ngang malayo
Para bang ika’y nanaghoy, isang paruparo, humuhuning parang ibon
At narinig mo ako sa malayo, at ang tinig ko di ka maabot:
Hayaan mo akong lumapit at di umimik kasama ng iyong katahimikan
At hayaan mo akong kausapin ka sa iyong pananahimik
Na sing-liwanag ng gasera, payak tulad ng singsing.
Tulad ka ng gabi, ng mga konstelasyong walang kibo
Ang iyong pananahimik parang bituin, malayo at walang tinatago
Nais kong di ka umimik: na parang di ka narito
Malayo at labis ang lungkot na para bang ikaw ay namatay
Kaya isang salita lang, isang ngiti, tama na.
At ako’y masaya, masayang hindi yuon totoo.
SALIN MULA SA TULA NI PABLO NERUDA
6/21/01
I LIKE FOR YOU TO BE STILL
Pablo Neruda
I like for you to be still
It is as though you were absent
And you hear me from far away
And my voice does not touch you
It seems that your eyes have flown away
And a kiss has sealed your mouth
As all things are filled with my soul
You emerge from the things filled with my soul
You are like my soul
A butterfly of dream
And you are like the word — melancholy
I like for you to be still
And you seemed far away
It sounds as though you were lamenting
A butterfly cooing like a dove
And you hear me from far away
And my voice does not reach you
Let me come to be still in your in silence
And let me talk to you with your silence
That is bright as a lamp, simple as a ring
You are like the night
With its stillness and constellations
Your silence is that of a star
As remote and candid
I’d like for you to be still
It is as though you were absent
Distant and full of sorrow
As though you had died
One word then, one smile is enough
And I’m happy, happy that it’s not true.
TRANSCRIBED FROM "IL POSTINO"
OST BY MIRAMAX MOTION PICTURE