Monday, September 29, 2003

--------------------
paano bang inaabot ang lalim ng lungkot?
anim na talampakang ayaw magpaabot
saang araw makikiusap
hihiram ng init at liwanag

puting tuldok
tanda sa dulo ng makipot na daan
natatanaw man
hindi naman malakaran

ulang bumubuhos
umaagos papalayo
pakiusap: anurin, dalhin
itong bigat ng damdmin

0 Comments:

Post a Comment

<< Home